SUICIDE: ANO, BAKIT AT PAANO?
Magandang umaga Bb. --- . Magandang umaga aking mga kamag-aral.
Alexander Robert Santiago. Nobyembre 20, 2003: Nagpakamatay ang anak ni Miriam Defensor Santiago. Dahilan? Pressure. Angelo Tomas Reyes. February 8, 2011: Binaril ng dating Chief of Staff ng AFP ang kanyang sarili. Dahilan? Kahihiyan. Mariannet Amper. Nagbigti ang labing-dalawang taong gulang. Dahilan? Kahirapan.
Suicide! Ano bang ginawa mo sa mundo?
Ayon sa ulat ng World Health Organization noong 2006, halos isang milyon kada-taon ang nagpapatiwakal kaysa sa bilang ng pinapaslang at namamatay sa giyera. Hindi mo ba alam na sa apatnapung (40) segundong nakalipas ay may nagpakamatay at sa tatlong (3) segundo na pagpikit ng iyong mga mata ay may magpapakamatay na? Sa lahat ng bansa ay pangatlo na ang suicide sa tatlong nangungunang sanhi ng kamatayan, edad 15-34 Nangunguna ang Lithuania ng Europa sa may pinakamaraming insidente ng pagpapatiwakal samatalang panglabing-dalawapu't apat ang Pilipinas. Apat na beses ang bilang ng mga kalalakihan na nagpapakamatay kaysa sa mga kababaihan subalit mas marami namang kababaihang nagbabalak magpatiwakal. Ayon sa National Center for Health Statistics, bumababa ang bilang ng nagpapakamatay tuwing tag-lamig at tumataas tuwing tag-sibol at tag-init. Mababa naman ang bilang ng suicide sa mga taong overweight at obese.
Suicide! Bakit ba ang lakas ng tama mo sa ilan?
Isa sa mga dahilan ng suicide ay maaring sakit sa pag-iisip. 30% ng mga nagpatiwakal ay may bipolar disorder, 18% ay umaabosa ng ilegal na droga, 14 % ay may schizophrenia at 13% ay may personality disorder. Ayon naman sa pananaliksik, ang mga indibidwal na may magulang o kamag-anak na nagpakamatay ay may tsansang magpakamatay rin. Pag-ibig naman ang nangununang dahilan ng suicide ayon sa isang eksperto. Ang hindi kayang pagtanggap sa pakikipaghiwalay ng kasintahan o asawa ang nagtutulak sa isang tao upang magpatiwakal. Ang pangaabuso, pisikal man o emosyonal, ay ang nagtutulak sa maraming kabataan ngayon na makipagtagpo kay Kamatayan. Kahirapan, pagdurusa sa nararamdamang sakit, at pagbasak sa mahalagang pagsusulit ang ilan pang dahilan kung bakit nangyayari ang suicide.
Suicide! Paano ka ba masusolusyunan?
"Thou shall not kill". Isang napakalaking kasalanan sa Diyos ang pumatay ng kapwa. Panghabang-buhay itong marka sa iyong kaluluwa at pagdurusahan mo araw-araw at gabi-gabi. Walang tutulong sa iyo sa oras na magawa mo ang krimen ng pagpatay. Paano naman ang pagkitil sa sariling buhay? Pumatay ka man o magpakamatay, parehas iyong kasalanan. Ibinigay sa atin ng Diyos ang ating buhay upang pangalagaan at paunlarin. Walang kang karapatan na patayin ang iyong sarili sapagkat ang Diyos lamang ang kayang bumawi ng buhay mo. Mas malaki pa ngang kasalanan ang pagpapakamatay kaysa pumatay. Kahit papaano, ang pagkitil sa kapwa ay mapagbabayaran mo sa kulungan eh ang pagpapakamatay? Tiyak na diretso ka sa impiyerno. Kung iniisip mo na sa sobrang dami mong problema ay isusuko mo na ang lahat, aba'y isa kang malaking tanga. Pare-parehas lang ang bigat ng mga problema. Pare-parehas lang ito tutulong upang maging matagumpay ka. Isipin mo na lang, ang lamya ng buhay kung walang problema. Kaya huwag mong hayaan na isang pirasong lubid na nagkakahalagang bente pesos ang kikitil sa buhay mo! Hindi ka man lang ba naaawa sa mga taong nagmamahal sa iyo? Sa mga taong tumutulong sa iyo? Sa mga taong magbabayad ng utang mo? Itaga mo sa bato na ang bawat problema ay may solusyon. Lagi mong tandaan ang na ang pagpapakamatay ay isang mapagpanggap na kalaban upang sa kamatayan ika'y magdanas ng panghabang-buhay na kahirapan.
Naisip ko ang paksa tungkol sa suicide sapagkat hindi ito masyadong pinapansin sa ating bansa. Alam ko na tatak na sa ating mga pinoy ang pagiging masayahin kahit nagdaranas ng mga problema sa buhay. Pero napansin ko na sa panahon ngayon, nawawala na ang ganoong pag-iisip.
Mabuti na lamang at hindi ako napahiya sa harapan. Isang taon ko nang kasama ang mga kaklase ko sa kolehiyo subalit hindi ko maiwasan kabahan sa tuwing may mga ganito kaming aktibidades. Ang importante naman ay maayos ang pagtatalumpati ko.